Linggo, Nobyembre 7, 2010

Insomnia ba, o sadyang ayaw lang matulog.

Nakatingin ako sa oras dito sa monitor ng computer ko, 3:09 AM. Isang araw nanaman na hindi ako makatulog at kailangang dumaan sa isang araw na walang tulugan.

Ang hirap talaga mag mayroong napagaabalahan sa kama maliban sa pag-tulog, pag-babasa, panunuod ng tv, pag *ehem* "alis ng sama ng loob" at iba pa. Sa akin, ang may kasalanan ay ang PSP "ko" (regalo ng nanay ko sa kapatid ko, pero sa tagal na hindi ginamit, ako na ang nagankin). Ok sana kung puro laro lang laman nun, kasi pag ganuon, malamang magsasawa ako (tulad ng kapatid na nabanggit), pero ang masama ay ANG DAMING pwede magawa sa PSP na yun! Pwede ako mag-internet, magbasa ng libro, manuod sa "YouTube", etc. Kulang nalang ay masahe at pag-imprenta ng pera!

Ngayon, di ako magbibigay ng mga detalyadong mga chart o mga data sa insomnia at sleep habits dahil wala namang magbabasa nun (kung may magbasa man ng blog na to), pero malaking perwisyo talaga pag di ka tinatamaan ng antok sa tamang oras. Maayos ko kaya tong "bad habit" na to, o sadyang me problema lang sakin, ewan ko. Kaya habang hinahanap ko pa ang kasagutan na yon, bubuksan ko nanaman ang B.I. sa buhay ko at manunuod nalang ako ng nakakatawa sa YouTube.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento