Linggo, Nobyembre 7, 2010

Insomnia ba, o sadyang ayaw lang matulog.

Nakatingin ako sa oras dito sa monitor ng computer ko, 3:09 AM. Isang araw nanaman na hindi ako makatulog at kailangang dumaan sa isang araw na walang tulugan.

Ang hirap talaga mag mayroong napagaabalahan sa kama maliban sa pag-tulog, pag-babasa, panunuod ng tv, pag *ehem* "alis ng sama ng loob" at iba pa. Sa akin, ang may kasalanan ay ang PSP "ko" (regalo ng nanay ko sa kapatid ko, pero sa tagal na hindi ginamit, ako na ang nagankin). Ok sana kung puro laro lang laman nun, kasi pag ganuon, malamang magsasawa ako (tulad ng kapatid na nabanggit), pero ang masama ay ANG DAMING pwede magawa sa PSP na yun! Pwede ako mag-internet, magbasa ng libro, manuod sa "YouTube", etc. Kulang nalang ay masahe at pag-imprenta ng pera!

Ngayon, di ako magbibigay ng mga detalyadong mga chart o mga data sa insomnia at sleep habits dahil wala namang magbabasa nun (kung may magbasa man ng blog na to), pero malaking perwisyo talaga pag di ka tinatamaan ng antok sa tamang oras. Maayos ko kaya tong "bad habit" na to, o sadyang me problema lang sakin, ewan ko. Kaya habang hinahanap ko pa ang kasagutan na yon, bubuksan ko nanaman ang B.I. sa buhay ko at manunuod nalang ako ng nakakatawa sa YouTube.

Biyernes, Nobyembre 5, 2010

Why a blog?

May kaibigan akong nakita na nagpublish ng isang blog dito sa internet, medyo natawa ako at nag comment ng "Why a blog?". Para kasing di ko makita ang importansya ng isang "blog" sa tao, pwede naman akong gumawa ng diary (o journal, kung masyadong tunog pambabae to), nalagay ko na ang nais kong sabihin, wala pang makakaalam! Solb un!

Pero tinamaan ng lintik, natuwa ako sa konsepto ng isang "blog" at naisip kong "Bakit kaya di din ako gumawa nito?". Malamang di ko din magagamit ito ng madalas, o mapapakinabanggan, isipin niyo nalang na para 'tong isang "experiment". Di tayo sigurado kung saan hahantong ito, pero tignan natin. Baka magulat nalang ako kung may mapulot ako sa pag-bblog dito.

Mukhang may sagot na ako sa una kong tanong..."Why a blog? Why the hell not!"